Anong masasabi niyo sa balitang ito?
Comment Please

RAPE VICTIM PA NI VHONG LUMUTANG
via REMATE

ISANG modelo at kandidata ng Binibining Pilipinas
beauty pageant ang nagsampa rin ng kasong rape
laban kay comedian/TV host Vhong Navarro kanina sa
Pasig City.
Bukod pa ito sa naunang kasong rape na isinampa ni
Deniece Cornejo sa Taguig City.
Ang nagreklamo ng rape laban kay Navarro ay isang
Roxanne Cabanero, naging kandidata ng Bb. Pilipinas
pageant 2011.
Nadiskuwalipika siya sa pa-contest dahil sa “extreme
nudity.”
Si Cabanero ay tubong Davao City.
Pormal na nagsampa ng kasong rape si Cabanero sa
Pasig City Prosecutors Office kaninang hapon.
Sa panayam ng Remate kay Atty. Virgilio Batalla,
abogado ni Cabanero, nagkalakas ng loob na
magreklamo ang biktima laban kay Navarro dahil sa
kasalukuyang iskandalo na kinasangkutan ng aktor
laban kina Cornejo at businessman Cedric Lee.
May hiwalay namang kaso si Navarro laban kina
Cornejo at Lee kaugnay ng umano’y pambubugbog sa
kanya sa condominium sa The Fort, Taguig.
Gayunman, tumanggi si Atty. Batalla na idetalye nang
buo sa Remate ang ginawang panghahalay ni Navarro
kay Cabanero.
Magharap na lamang umano ang dalawa sa korte.


0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

 
Top